Makabuluhang Karanasan bilang Estudyante sa Panahon ng Pandemya

 

FILIPINO SA PILING LARANGAN

 Gawain: Sumulat ng isang deskritibong abstraktong sulatin tungkol sa inypng karanasan sa pag-aaral ngayong pandemya. Sundin ang tamang paraan ng pagtatalata, pagbabantas,wastong pagbaybay, at iba pa. Gawing batayan ang pamantayn sa ibaba.

Labanan ng COVID-19: Tungo sa Pag-aaral

Isinulat ni: Do-It Gwen

                     Nilukom ng COVID-19 ang mundo na nagdudulot sa pagbabago ng pamumuhay ng mga tao sa lahat ng aspeto ng buhay. Narining ko na ang mga magulang at matatanda ay napiliting magtrabaho nalang sa bahay, samantalang ang ibang sa masamang palad ay nawalan ng sustensya ng kanilang paghahanap-buhay. Kasingtulad ng mga mag-aaral, hamon ang labanan ng pandemya upang mapapatuloy ang pag-aaral. Karanasan ko’y malubhang kaharasan sa una, nahihirap akong tanggapin at maglapat ng pamaraan sa bagong sistema ng Deped kung saan ang Online at Modular Class. Dumating ako sa punto na ako ay napagod sa pagsabay-sabaying sagutin lahat ng aking mga aktibi, akibat na rin ang modulo ng dalawa kong kapatid. Higit na rin ang salat sa internet at kagamitan para sa online class. Sa mga pagsubok, ang sarili nalang ay aking inaasahan sa pag-unawa ng lahat ng mga aralin, matupad ang mga gawain at magkaroon ng totoong natutunan. Ngunit sa kabilang bahagi ng sitawasyon ko ngayun, nakita ko ang mahusay at mabuting resulta na naging katumbas ng aking mga luha at pawis sa pag-aaral - sa aking kagustuhan makapagtapos ng aral, hindi ko piniling sumuko sapagkat humanap ako ng mga paraan para maisayos at maging magaan ang aking trabaho. Ako ay nanalig sa Diyos na kaya kong gawin ang pagsusubok ngayun - ginawa ko isang opportunidad ang sitwasyon sa pagbuo ng bagong likas-kasanayan at pabutihin ang aking galing at talento sa pagsusulat ng akademikong sulatin, kasanayan ko sa pakikipagkomunikasyon sa publiko, at pagtugtog ng piano. Sa gayun, mas napauunlad ko aking sarili at higit sa lahat, ako ay nasali sa honor roll sa pagkuha ng mas mataas na marka kaysa sa aking inaasam. Dulot ng pagkapit ng pag-asa sa aking puso at damdamin, di ko nakalimutang ang aliw at saya sa pagsisipag at pagtitiyaga sa aking pag-aaral ay sapat na malabanan ang pandemyang ito.

Mga gabay na tanong na maaaring iyong mapagkunan ng leksyon at ideya.

1.    Ano-ano dapat isaalang-alang sa pagsulat ng abstraktong akademikong pagsusulat?

-          Sa pagsaalang-alang sa pagsusulat ng abstraktong akademikong pagsulat ay ang pagsunod at pag-gabay ng ating teksto sa partikular na pamantayan kung saan ito ay dapat ang pinakabuod na sulatin o pananaliksik, kasama nito ang maging malinaw ang pakaw at organisadong ideya sa anyo ng deskriptibo o impormatibong salaysay. Lubos na oobserbahan ang kompletong bahagi ng sulat kung saan makikita ang panimula at introduksiyon ng pag-aaral at presensiya ng kabuuang metodolohiya. Higit sa lahat, dapat binibigyan ng pansin ang paglalaman ng kaligiran pag-aaral, saklaw, pormal na istilo sa lenggwahe, pamamaraang ginamit, resulta at konklusyon.

2.    Bakit mahalagang pag-aralan ng mga mag-aaral ang sulating abstrak?

-          Bilang mag-aaral, ang pagsulat ng abstrak ay napakahalaga sa kaligiran ng iba’t ibang uri ng edukasyong sinisiyasat o pedagogy sapagkat ito ang pundasyon ng kalaaman ng mga kabataan sa pagsususlat ng makabuluhang buod ng akademikong teksto na naglalagom ng totoong kaalaman at intellihente sa layunin. Lalo’t lalo na sa modernong sistema ng pag-aaral, nangunguna ang abstrak sa masidhing pagsusuri at pagkatha ng dagliang propesyonal na sulatin tulad sa mga dokyumentarya, tesis at science investigative project. At higit sa lahat, ito ay nakalahad ng tanging abiliad ng mataas na pag-iisip at kritikal na hinuhana sa pagsalaysay ng mga kaisipan at konsepto sa komprehensibong pamamaraan tulad ng pagbabahagi ng suliranin sa pananaliksik at resulta o konklusyon sa mga problema ng mundo.

3.    Paano naiiba ang abstrak sa iba pang akademikong sulatin?

-          Naiiba ang abstrak sa iba pang akademikong sulatin sapagkat ito ay may sariling pamantayan, elemento at katangiang ibinabahagi, kabilang ang uri at pamamaraang ginamit nito sa pagsusulat. Tangi ang abstrak kung saan ito ay nagsisilbing buod ng mga akademikong sulatin na kadalasang may bahagi na panimula o introduksyion, metodolohiya o mga datos at konklusyon o resulta. Sa pangkalahatan, ang abstrak ay ang pinakabuod ng ginawang sulatin o pananaliksik na may dapat lahat ng detalye at mga kaisipan na isinalaysay upang maunawaan at maiintingdihan ng mamabasa ang konepto ng teksto.

Ang aking Repleksiyon sa pag-aaral na ito.

                     Ang aking natutunan sa paksang ito, ay ang kahalagahan ng akademikong sulatin sa pagsulat ng abstrak. Higit ko naiintidihan ang depinasyon, kagamitan, konsepto at bahagi ng abstrak bilang mag-aaral kung saan natutunan ko ang pagtukoy ng kaibahan ng katangian ng deskritibo at impormatibong teksto. Napabuti ko ang aking kasanayan sa pagsulat ng abstrak kung saan nalaman ko ang pagtalakay at pagbabahagi ng mga elemento at katangian ng abstrak. Sa pangkalahatan, napag-aralan ko ang dapat isaalang-alang sa pagsulat ng abstraktong akademikong sulatin sa malinaw at organisadong pagpapahayag ng mga ating karanasan at masidhing pag-aaral ng mga tanging impormasyon.


 

Comments